National Peace Consciousness Month

September is Peace Month

Pagbati ng isang mapayapang araw sa lahat!

Ngayong araw ang simula ng pagdiriwang ng Buwan ng Kapayapaan o National Peace Consciousness Month (o tinatawag din na Peace Month).

Alinsunod sa Proklamasyon bilang 675 na inisyu noong Hulyo 20, 2004, naging opisyal ang selebrasyon ng kapayapaan na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Setyembre. Kasabay din nito ang pandaigdigang selebrasyon ng Araw ng Kapayapaan na ginaganap tuwing Setyembre 21 taon-taon.

Layunin ng proklamasyon na makintal sa kamalayan at maintindihan ng bawat Pilipino ang komprehensibong proseso ng kapayapaan, gayundin upang itaas ang kultura ng kapayapaan nang walang karahasan, na nirerespeto ang karapatan at kalayaan, ang pagpapasensiya, pang-unawa, at pagkakaisa.

Ang tema sa taong ito ay “Pagkakaisa at Paghilom: Isang Bansa para sa Kapayapaan” bilang tanda na sa ating pagkakaisa, muli tayong makakabangon at maghihilom sa mga pagsubok na dumaan sa atin tulad ng pandemya.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nakikiisa sa buong bansa sa pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month.

#SulongEduKalidad #DepEdPhilippines

Reference / Source: DepEd Philippines

Image Credits: DepEd Philippines

Video Credits: Not Applicable

Blog Category:

ABOUT US

Cebu City Don Carlos A. Gothong Memorial National High School is categorized as a Very Large School by the Department of Education as we cater all levels of Junior High School and Senior High School. We are located at Candido Padilla St., Cebu City, Cebu 6000, with the school ID of 303142.

Recent Blog Posts

 133 total views,  1 views today

Any Concerns?

Please send us a message thru our contact form page, or directly message us on our official Facebook page.